2 rebelde utas sa bakbakan

BATAAN, Philippines – Dala­wang rebelde mula sa grupo ng Rebolusyu­naryong Hukbo ng Ba­yan ang iniulat na na­patay habang dala­wang iba pa ang na­aresto makaraang ma­kipagsagupaan sa mga awtoridad kama­ka­lawa sa liblib na ba­hagi ng Sitio Lari sa Brgy. Kaparangan, Ora­ni, Bataan. Kabi­lang sa mga napatay ay sina Jose “Axis” Gonzales, commanding officer sa bayan ng Samal at Alberto Ocam­po, alyas Ka Ambet. Sumuko na­man sina Jayson Va­lencia ng Barangay Tapulao at Emilda Zu­lueta ng Sityo Lati. Naganap ang sagu­paan sa labas ng ba­hay ni Zulueta kung saan napatay sina Gonzales at Ocampo. Nakarekober sa mga rebelde ang dala­ wang baril, granada, iba’t ibang uri ng bala at mga subersibong do­kumento. Jonie Capalaran

Show comments