3 NPA rebels bulagta

MANILA, Philippines – Tatlong rebeldeng New People’s Army ang bumulagta habang limang iba pa ang nasugatan matapos makasa­gupa ang tropa ng militar at pulisya sa liblib na bahagi ng Brgy. Mag­saysay sa bayan ng Palapag, Northern Sa­mar  noong Martes ng umaga.

Ayon sa spokesman ng Army regional office, sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng Army’s 63rd Infantry Battalion at grupo ng mga rebelde matapos maaktuhang nangingikil ng revolutionary tax sa mga residente sa nasabing lugar

Sa kasagsagan ng bakbakan, na tatlong rebelde ang tumimbuwang na inabandona naman ng mga nagsitakas nilang mga kasamahan habang inaalam pa ang pagkaka­kilan­lan sa tatlo.

Wala namang naiulat na nasugatan at nasawi sa pa­nig ng tropa ng pamahalaan, ayon pa sa opisyal.

Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang M16 rifle, carbine rifle sa tabi ng bangkay ng napaslang na tatlong rebelde. - Joy Cantos

Show comments