^

Probinsiya

Kabesa dedo sa ambus

-

BATANGAS, Philippines – Karit ni kamatayan ang sumalubong sa isang barangay captain makaraang ratratin ng mga di-pa kilalang kala­lakihan kahapon ng umaga sa Barangay Sambat, Tanauan City, Batangas. Kinilala ni P/Supt. Willy Atun, ang biktimang si Chairman Rollie Vivas, 42, ng Ba­rangay Natatas sa Tanauan City.

Base sa police report, pa­pauwi na si Vivas sakay ng mo­tor­siklo mula pagpupulong sa Tanauan City Hall nang pag­babarilin sa kahabaan ng national highway sa pagitan ng Brgy. Sambat at Brgy. Natatas. Sa naging panayam ng PSNgayon kay Sammy Platon, pangulo ng Association of Barangay Captain, may mga natatanggap na death threat si Vivas bago pa naganap ang pa­na­nambang.

Nareko­ber naman ang motor­siklong ginamit ng mga suspek ilang metro lang ang layo sa Sambat Startollway exit kung saan nakuha naman sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng baril. (Arnell Ozaeta)


vuukle comment

ARNELL OZAETA

ASSOCIATION OF BARANGAY CAPTAIN

BARANGAY SAMBAT

BRGY

CHAIRMAN ROLLIE VIVAS

NATATAS

SAMBAT STARTOLLWAY

SAMMY PLATON

SHY

TANAUAN CITY

TANAUAN CITY HALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with