Alalay ng mayor itinumba

BULACAN, Philippines –  Isa na namang karahasan ang sumiklab sa bisinidad ng Meycauayan City, Bulacan makaraang pagbabarilin ang tumatayong alalay ng alkalde at hepe ng anti-crime task force ng mga di-pa kilalang kalala­kihan ka­hapon ng umaga.

Tatlong tama ng bala ng baril ang tu­mapos sa buhay ni Danny “Totoy Balat” Lancero na sina­sabing bodyguard ni Mayor Joan Alarilla at residente ng Brgy. Hulo. Base sa police report, papasok sa trabaho ang biktimang sakay ng motorsiklo nang dikitan at ratratin ng motorcycle-riding assassins sa hang­ganan ng  highway ng Barangay Tugatog at Banga.

Si Totoy Balat ay sina­sabing sangkot sa pambubogbog kay dating Mayor Dan Daez sa loob ng munisipyo. Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pama­mas­lang. (Dino Balabo)


Show comments