Rescue: 2 Abu kidnaper utas

MANILA, Philippines – Dalawang armadong ka­lalakihan na sinasabing kidnaper ng nalalabi pang hostage na si International Committee of the Red Cross (ICRC) Italian natio­nal Euge­nio Vagni, ang ini­ulat na na­paslang ha­bang dalawang iba pang ban­dido ang nasu­gatan kabi­lang ang lider ng mga kidnaper sa na­ ganap na ma­dugong eng­kuwentro sa liblib na bisi­nidad ng Tali­pao, Sulu ka­makalawa.

Sa phone interview, ki­num­pirma ng opisyal ng pu­lisya ang pagkamatay ng da­lawang kidnaper, na kinila­lang sina Angah Adja  at Alkaf Abduhadi.

Ayon sa ulat, naganap ang bakbakan sa bahagi ng Sitio Kansirun, Brgy. Maba­hay sa bayan ng Ta­lipao ban­dang alas-10:30 ng umaga ng Ling­go.

Dalawa rin sa mga kidnaper ang nasugatan kabi­lang ang lider na si Com­man­der Pisih at Ibnung Asali bagaman nagawang maka­takas sa kasagsagan ng engkuwentro laban sa mga elemento ng pu­lisya at ng Civilian Emergency Forces.

Wala namang naitalang  nasawi at nasugatan sa pa­nig ng mga awtoridad.

Si Vagni at dalawang iba pang bihag na sina Swiss na­tional Andreas Notter at Pinay engineer Mary Jean Lacaba; pa­wang miyembro ng ICRC ay kinidnap ng mga ban­didong Abu Sayyaf noong Enero 15 sa bayan ng Pa­tikul, Sulu.

Noong Huwebes ng Abril 2 ay pinalaya si La­caba ha­bang si Notter ay noong na­mang Sabado ng Abril 18 kung saan nanatili pang bihag si Vagni.

Patuloy naman gina­ga­lugad ng mga awtoridad ang nasabing lugar para matukoy ang kinaroroonan ni Vagni na posibleng ka­sa­pitan nito dahil sa ka­ram­da­man na kaila­ngang suma­ilalim na sa ope­ras­yon. (Joy Cantos)


Show comments