2 utas sa road mishap
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi makaraang sumalpok ang trak sa puno ng acacia sa Maharlika Highway sa Zone 2, Brgy. Balagbag sa bayan ng Milaor, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Danny Peralta, 28, ng Cawayan Isabel at Edward Carbonel, 35, ng Alfonso Lista, Ifugao Province. Samantala, sugatan naman ang driver na si Rommel Arquillas, salesman ng Asian Hybrid Seeds Tech. International at residente ng #44 M. Parinas St. Project 8, Quezon City. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na naidlip ang drayber ng trak (UNE 989) habang binabagtas ang nasabing highway patungo sana sa bayan ng Pili, Camarines Sur. Kaya sumalpok sa punong kahoy. -
Ed Casulla- Latest
- Trending