Trak hulog sa bangin: 5 patay

DIADI, Nueva Vizcaya, Philippines – Lima-katao ang kumpir­madong nasawi habang dalawang iba pa ang na­sugatan makaraang mahu­log ang kanilang sinasak­yang trak sa bangin sa ba­yan ng Diadi, Nueva Viz­caya kamakalawa.

Kabilang sa mga bikti­mang namatay ay sina Amor Ramos, Joey Tolen­tino, kapwa residente ng Barangay Ngarag, Caba­gan, Isabela; Maila Duma­lanta ng Osmenia, Ilagan, Isabela; Carlina Albano ng San Pedro, Ilagan, Isabela; at ang drayber na si Ro­dolfo Francisco ng District 1, Tumauini, Isabela.

Sugatan naman sina Analyn Sarangay ng Ila­gan, Isabela at Federico Albano, may-ari ng trak at residente ng San Pedro, Tumauini, Isabela.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Rogelio Garcia, hepe ng Diadi PNP, naitala ang sakuna dakong alas-11:45 ng gabi sa national road ng Barangay Balete matapos mawalan ng preno ang trak (TVK 681) ni Francisco.

Nabatid na unang su­mal­pok ang trak sa gilid ng kalsada matapos nawalan ng preno kaya mabilis na tumalon si Albano para lag­yan sana ng kalso ang gu­long, subalit binawi ng dray­ber ang manibela dahil mahahagip ang sinusun­dan na sasakyan kung saan nahulog na ito sa bangin.

Lumabas pa sa imbesti­gasyon ng pulisya na ang ilan sa mga biktima ay na­kisakay lamang sa trak matapos mamili ng mga prutas at gulay sa Panga­sinan para dalhin sana sa Isabela habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya. Dagdag na ulat ni Joy Cantos


Show comments