^

Probinsiya

New Zealander kasama, 6 na Magdalo nalambat

-

CLARK FREEPORT, Pampanga, Philippines – Anim na retiradong sundalo ng Philippine Navy na sangkot umano sa Oakwood mutiny sa Makati City noong 2003 ang nadakip ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission at Bureau of Immigration sa Eagle’s Firing Range dito kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Angeles Police Chief Senior Superintendent Pierre Bucsit na di­nala sa kanyang tanggapan sa Camp Tomas Pepito sa Angeles City ng mga ta­uhan ng PAOCC ang anim na dating sundalo.

Sinabi pa ni Bucsit na, batay sa natanggap ni­ yang impormasyon, ang anim ay sangkot sa pag-aaklas laban sa pama­halaan ng mga rebeldeng sundalong miyembro ng Magdalo na nagtipun-tipon sa Oak­wood Hotel sa Makati City.

Tumanggi ang pulisya na banggitin ang pangalan ng mga suspek.

Inaresto rin sa naturang lugar ng mga tauhan ng BI ang New Zealander na si Arthur Joseph Newman pero hindi malinaw kung kilala niya ang nabanggit na mga dating sundalo.

Sinasabi lang ng BI na si Newman na dinala na sa Maynila ay gumagamit ng pasong passport. (Ding Cervantes at Joy Cantos)

ANGELES CITY

ANGELES POLICE CHIEF SENIOR SUPERINTENDENT PIERRE BUCSIT

ARTHUR JOSEPH NEWMAN

BUREAU OF IMMIGRATION

CAMP TOMAS PEPITO

DING CERVANTES

FIRING RANGE

JOY CANTOS

MAKATI CITY

NEW ZEALANDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with