^

Probinsiya

Trader utas sa road mishap

-

ORMOC CITY, Leyte

, Philippines ­— Isang negosyante mula sa mayamang angkan ang kumpirmadong nasawi ma­karaang maipit sa loob ng kanyang sasakyan na na­bangga ng truck sa kaha­baan ng highway sa Brgy. Valencia, Ormoc City Leyte noong Mi­yerkules ng umaga. Kinilala ni P/Insp. Lito Wen­ceslao, hepe ng PP2, ang biktima na si Jose Kang­leon y Sera­fica, 58, ng Bo­nifacio St. sa na­banggit na barangay.

Pormal naman kakasu­han ang drayber ng trailer truck na si Dennis Sullano y Pepito, 38, ng Brgy. Cagbu­hangin. Ayon kay SPO3 Leo Enalisan, lulan ng CJ5 Jeep (HAE-275) ang biktima patungong lungsod mula sa pagbisita sa kanyang sugarcane farm sa Kananga, Leyte nang masalpok ng trailer truck (JCD 452) sa blind curve.

Naisugod naman ng ilang motorista ang bktima sa OSPA hospital subalit idi­ ne­klarang patay. Inamin naman ni Sullano na dahil sa kalitu­han ay natapakan niya ang accelerator imbes na preno kaya lalong na­ka­lad­kad ang sasakyan ng biktima. Ro­berto Dejon

 

 

 


vuukle comment

AYON

BRGY

CAGBU

DENNIS SULLANO

JOSE KANG

LEO ENALISAN

LEYTE

LITO WEN

ORMOC CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with