7 bangkay sa Chemtrad, nakuha na
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Matagumpay na naiahon ang pitong bangkay mula sa bumagsak na Chemtrad plane matapos na lumapag ang chopper kahapon sa kagubatan ng Sierra Madre na nasasakupan ng Baggao, Cagayan.
Ayon kay P/Chief Supt. Roberto Damian, Cagayan Valley police director, nadala na ng mga rescue team ang 7 naagnas na bangkay sa temporary landing zone ilang metro ang layo sa kagubatan kung saan bumagsak ang Chemtrad sa Sitio Baying, Barangay San Miguel sa Baggao.
“We have successfully retrieved the seven cadavers from the wreckage. The bodies were entangled in the wreckage which was strewn at an altitude of more or less 5,200 feet necessitating the transport of special tools,” pahayag ni Damian.
Kabilang sa mga biktimang na nakatakdang kilalanin ng kani-kanilang kamag-anak ay sina Captain Tomas Yañez, co-pilot Captain Ranier Ruiz, pasaherong sina Councilor Abelardo Baggay, SPO2 Rolly Castaños, Celestino Salacup, pawang residente ng Maconacon, Isabela; Chairman Joel Basilio ng Brgy. Sapinit, Divilacan, Isabela; at si James Bakilan. Victor Martin at Joy Cantos
- Latest
- Trending