BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines – Dalawang Tsino ang iniulat na nawawala matapos magtungo sa bayan ng Santa Ana, Cagayan may 12-araw na ang nakakalipas.
Ayon sa police report, ang dalawang Tsino na nawawala noon pang Linggo ng Abril 5 ay nakilalang sina Wehon Che, 35; at Chenny Ang Lee, 45, na kapwa nabigong makarating sa kapistahan sa bayang nabanggit.
Nabatid na huling namataan ang dalawa sa Eastern Hawaii Casino sa Barangay San Vicente sa Cagayan Economic Zone Authority ng Santa Ana, Cagayan.
Ayon kay P/Chief Inspector Jay Cumicad, hepe ng Santa Ana PNP, na nakatanggap sila ng impormasyon na namataan ang dalawa sa Maynila subalit hinihintay na lamang ang kumpirmasyon.
Base sa ulat ang dalawa na dumating sa bayan ng Santa Ana Cagayan ay dadalo sana sa kapistahan bilang mga guests of honor subalit nabigo. Victor Martin