^

Probinsiya

2 Tsino, nawawala

-

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines  – Dalawang Tsino ang iniulat na nawawala matapos magtungo sa bayan ng Santa Ana, Ca­gayan may 12-araw na ang nakakalipas.

Ayon sa police report, ang dalawang Tsino na nawawala noon pang Ling­go ng Abril 5 ay nakilalang sina Wehon Che, 35; at Chenny Ang Lee, 45, na kapwa nabigong makara­ting sa kapistahan sa ba­yang nabanggit.

Nabatid na huling na­ma­taan ang dalawa sa Eastern Hawaii Casino sa Barangay San Vicente sa Cagayan Economic Zone Authority ng Santa Ana, Cagayan.

Ayon kay P/Chief Inspector Jay Cumicad, hepe ng Santa Ana PNP, na nakatang­gap sila ng impor­masyon na namataan ang dalawa sa Maynila subalit hinihintay na lamang ang kumpirmasyon.

Base sa ulat ang dalawa na dumating sa bayan ng Santa Ana Cagayan ay dadalo sana sa kapistahan bilang mga guests of honor subalit nabigo. Victor Martin


vuukle comment

AYON

BARANGAY SAN VICENTE

CAGAYAN ECONOMIC ZONE AUTHORITY

CHENNY ANG LEE

CHIEF INSPECTOR JAY CUMICAD

DALAWANG TSINO

EASTERN HAWAII CASINO

NUEVA VIZCAYA

SANTA ANA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with