Mister niratrat sa huling hapunan
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isang mister ang nasawi matapos pagbabarilin ng ’di-nakikilalang suspek habang naghahapunan siya at ang kanyang pamilya sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Sitio Cabangkalan, Barangay Maypanique, San Pascual, Masbate.
Nakilala ang biktima na si Romeo Hasita, 46, may asawa, magsasaka at residente ng naturang lugar.
Napag-alaman na maging ang misis at mga anak ng biktima ay natulala sa kanilang nasaksihan na pamamaslang sa kanilang padre-de-pamilya.
Hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng suspek upang paslangin ang biktima. (Ed Casulla)
- Latest
- Trending