War vs droga inilunsad

MANILA, Philippines - Pinaigting pa ng pulisya ang kampanya laban sa nagli­panang iligal na droga sa pamosong Boracay Island sa Malay, Aklan partikular na ngayong panahon ng bakasyon. Ayon kay P/Supt. Arnold Ardiente, hepe ng pulisya sa na­banggit na isla, ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pa­­ngulong Gloria Macapagal Arroyo, na lipulin ang  pa­ma­ma­yagpag ng iligal na droga sa bansa.

“We cannot deny that illegal drugs exist in Boracay because of the good market. Boracay is a party island and every time, there is a party, nan­diyan lagi ang drugs. Pag me nightlife dito, lumalabas din ang mga prostitutes,” pahayag ni Ardiente.

Samantala, pi­na­lakas rin ng lokal na pulisya ang pagpapatupad ng vagrancy law kung saan umaabot na sa 30-katao ang naaresto ha­bang dalawa naman barko ng Philippine  Navy ang ideneploy upang protektahan ang turismo sa Boracay. (Joy Cantos)

Show comments