^

Probinsiya

Habambuhay sa tulak ng droga

-

ILOILO CITY, Philippines – Habam­buhay na pagkabilanggo ang inihatol ng mababang korte la­ban sa isang mister na na­kum­piskahan ng 13.35 gramo ng shabu sa isinagawang operasyon ng pulisya noong Setyembre 2003 sa Brgy. Concepcion, Iloilo City.

Sa 13-pahinang desis­yon ni Judge Evelyn Salao ng Iloilo City Regional Trial Court Branch 25, bukod sa habam­buhay na pagka­bilanggo, pinagbabayad din ang aku­sadong si Yul Pau­lino ng P.4 milyon dan­yos sa estados dahil sa paglabag sa Republic Act 9165.

Binalewala ng korte, ang ali­bi ni Paulino na plan­ted ang sha­­bu ni SPO1 Ro­velson Ba­ga­res na isa sa pangkat ng pu­lis­ya na nag­sagawa ng drug bust sa kan­ yang bahay sa Zamora Street sa nabang­git na ba­rangay noong Set­yem­bre 25, 2003.

Maging ang testimonya ni Kagawad Virgilia Diel ng Brgy. Concepcion, na pu­mapabor sa panig ni Pau­lino ay ibina­sura ng hu­kom.

“To say that these were planted by SPO1 Bagares is to charge him rashly. The testimony of Brgy. Kgwd. Diel that she saw the string coming out from the pocket of SPO1 Bagares is uncorroborated. Moreover there is no positive testimony that the same string of the eye glass pouch was the same string coming from the pocket of SPO1 Bagares,” paliwanag ni Judge Salao

Napag-alaman din ng korte na hindi napatunayan na may personal na galit si Bagares kay Paulino.

 “The court finds that the accused Yul Paulino is indeed guilty of having in his possession 13.35 grams of methamphetamine hydrochloride,” ayon sa desisyon ng korte.

Inaapela naman sa Korte Su­prema ang naging desis­yon ng mababang korte, ayon sa mga counsel ni Paulino na sina Atty. Arthur Padojinog, Atty. Oscar Leo Billena, at Atty. Joel Es­paña. Ronilo Ladrido Pamonag

ARTHUR PADOJINOG

BAGARES

BRGY

CONCEPCION

ILOILO CITY

ILOILO CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

JOEL ES

JUDGE EVELYN SALAO

JUDGE SALAO

PAULINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with