^

Probinsiya

Ambus: Agriculture official utas

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Tinambangan at na­patay ang regional director ng Department of Agriculture ng mga ’di-pa kila­lang kalala­kihan kahapon ng umaga sa pagitan ng bayan ng Solana, Tugue­garao City sa Cagayan.

Napuruhan sa leeg at hita ng mga bala ng baril ang bik­timang si Dr. Gu­mer­­sindo Lasam, opisyal ng Department of Agriculture sa Region 2 sa Caga­yan Valley.

Sa police report na na­karating kay P/ Chief Supt. Roberto Damian, Cagayan Valley police director, lu­militaw na binabagtas ng biktimang nagmomotor­siklo ang irrigation bridge sa pagitan ng mga Brgy. Basi West at Bagumbayan nang harangin at ratratin ng mga maskaradong kalala­kihan bandang alas-7 ng umaga.

Namatay sa Saint Paul Hos­ pital sa Tuguegarao City, Cagayan ang biktima ban­dang alas-9 ng umaga kaha­pon.

“We are still organizing the information obtained from the crime scene so we still have to determine the motive of the incident,” pahayag ni P/Senior Supt. Moro Lazo.

Kaugnay nito, agad na bu­muo ng Lasam Task Force sa pangunguna ni P/Senior Supt James Melad upang maresolba ang pamamas­lang sa nasabing opisyal.

Samantala, nagpalabas na ng P1 milyong reward ang gobyerno mula sa Office of the President para sa mabilisang ikareresolba ng pagpatay kay DA Region 2 director Gumersindo Lasam. Dagdag ulat ni Joy Cantos  

BASI WEST

CAGAYAN VALLEY

CHIEF SUPT

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DR. GU

GUMERSINDO LASAM

JOY CANTOS

LASAM TASK FORCE

MORO LAZO

NUEVA VIZCAYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with