Mag-amang kidnaper nalambat

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga ele­mento ng Philippine Marines ang mag-amang pi­naghihi­nalaang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf na iniimbestigahan kaugnay ng partisipasyon sa pagdukot sa tatlong miyembro ng International Committee of the Red Cross sa Jolo, Sulu ka­makalawa.

Kinilala ng mga awtori­dad ang mga nasakoteng sus­pek na sina Bombra Hajirul at Cajir Hadjirul.

Batay sa report ng Joint Task Force Comet, ang mag-ama ay nahuli ng tropa ng Philippine Marines habang gumagala sa Se­rantes St., Brgy. Walled City, Jolo.

Hindi na nakapalag ang mag-ama matapos na dak­pin ng mga sundalo.

Iniimbestigahan ang mag-ama kaugnay ng pag­dukot sa mga kagawad ng ICRC na sina Andreas Notter, Eugenio Vagni at Jean Lacaba. Si La­ca­ba ay nasagip ng militar noong Hu­ webes. (Joy Cantos)

Show comments