^

Probinsiya

Pambayad sana sa graduation, hinoldap

-

BOCAUE, Bulacan, Philippines – Parang binagsakan ng la­ngit at lupa ang isang gi­nang matapos na holdapin at matangayan ng perang inutang pa nang pahulugan at ipambabayad sana sa graduation rites ng kan­yang anak na nagtapos nga­yong taon.    

Sa salaysay ng bikti­mang si Marilou Aureada, 44, may-asawa at resi­dente ng Brgy. Batia sa bayang ito kay P/Supt. Ronald De Jesus, dakong ala 1:45 ng hapon kahapon habang nakasakay siya sa isang pampasa­herong jeep pauwi na sana sa kanilang bahay ay tina­bihan siya ng suspek na si Elpidio Ca­diente, 38, bago siya nito tinutukan ng patalim sa tagiliran sabay usal ng “holdap ito.”   

 Dahil sa pagkabigla at takot ay nagawang ibigay ng biktima sa suspek ang halagang P9,000 na nasa kanyang bulsa.   

Ang naturang pera ay inutang pa niya upang ga­gamitin sana ng kanyang anak sa graduation rites nito sa Maynila.     

Matapos na malimas ang pera ay agad na tuma­lon ang suspek mula sa uma­andar na sasakyan ngunit hindi nawalan ng pag-asa si Marilou at agad na nagsisi­gaw ito at hu­mingi ng tulong sa taong bayan.   

Dahil sa pagsisigaw ni Marilou ay agad na nasa­kote ito at naging dahilan pa upang bugbugin ito ng mga taong bayan na nag­responde sa biktima at agad din ipinasa sa mga pulis na nasa bisinidad nito ngunit hindi napigilan ang galit ng mamamayan.    

Hindi na narekober pa ang pera ng biktima at patalim na ginamit dahil sa itinapon na ito sa isang bakanteng lote habang hinahabol ng mga galit na mamamayan. (Boy Cruz)

vuukle comment

BATIA

BOY CRUZ

BRGY

DAHIL

ELPIDIO CA

MARILOU

MARILOU AUREADA

RONALD DE JESUS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with