Eroplano nawawala, 2 piloto 5 pasahero sakay
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Pito-katao ang iniulat na naglaho makaraang bumagsak kahapon ang pribadong eroplano sa kabundukan ng Sierra Madre matapos mag-take off sa paliparan ng Tuguegarao City, Cagayan Valley.
Ayon kay P/Chief Supt. Roberto Damian, Cagayan Valley police director, ang Chemrad light plane (Tail No. 764) ay nag-takeoff sa Tuguegarao Airport sa Cagayan kahapon dakong alas-8 ng umaga, subalit nabigong makalapag sa bayan ng Maconacon, Isabela sa loob ng 30-minuto at nabigo ring makontak
Kabilang sa mga lulan ng eroplano ay si Captain Tomas Yañez, co-pilot na si Captain Reiner Ruiz; mga pasaherong sina SPO2 Rolly Castaños, Celestino Salacup, Abelardo Baggay, Joel Basilio at si James Bakilan.
“We are preparing for worst scenario,” pahayag ni Damian.
Sa kasalukuyan ay naging sagabal naman sa search and rescue mission ang maulap na papawirin kaya hindi makalipad ang ilang eroplano.
Samantala, inalerto na rin ang lahat ng yunit ng pulisya sa rehiyon at mga karatig lugar para tumulong sa search and rescue operations sa nawa walang eroplano. Victor Martin, Joy Cantos at Ellen Fernando
- Latest
- Trending