Rapist ng bata arestado

ZAMBALES , Philippines —Kalaboso ang binagsakan ng isang 40-anyos na lalaki makaraang maaresto ng pulisya sa kasong panghahalay sa isang batang babae noong 2005 sa bayan ng Castillejos, Zambales kamakalawa ng umaga. 

Ayon kay P/Inspector Jerry Haduca, police chief ng Castillejos, pormal na kinasuhan ang suspek na si Virgilio Calimbas ng Sitio Baring, San Nicholas ng nabanggit na bayan.

Naaresto ang suspek nina SPO3 Leonardo Assuncion at PO1 Victor Santos, habang nagmamaneho ng traysikel sa Barangay San Juan. (Alex Galang)


Show comments