^

Probinsiya

Bomb expert na pulis utas sa granada

-

ILOILO CITY , Philippines  — Nag­wa­kas ang serbisyo sa ba­yan ng isang paretirong alagad ng batas na sina­sabing isa sa dalawang bomb expert habang tatlo iba pang ka­samahan nito ang nasu­gatan makaraang sumabog ang granada na kanilang sinusuri sa loob ng himpilan ng pulisya sa Iloilo City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng regional police di­rector na si P/Chief Supt. Isa­gani Cuevas, ang nasa­wing pulis na si SPO2 Rafael Managuit, magrere­tiro sa su­su­nod na taon at na­isugod pa sa Iloilo St. Therese Hospital matapos na masapul ng mga shrapnel sa mukha, dibdib at braso.

Ginagamot naman sa nabanggit na ospital sina PO3 Abundio Diaz Jr.,  PO2 Roque Gimeno III at si PO2 Albert Sardua Jr. na pawang miyembro ng SWAT-Explosives and Ordnance Division team.

Nabatid na walang anu­mang protective equipment sa katawan ang mga pulis habang isinasagawa ang pagsusuri sa granada.

Napag-alamang ru­mes­ponde ang pangkat ni SPO2 Managuit sa tinda­han ni Yolanda Sinato ng Barangay East Baluarte, kaugnay sa granada at rifle grenade na nasa bubu­ngan ng bahay ng kanilang tin­dahan.

Kaagad naman nare­kober ang dalawang gra­nada at dinala sa himpilan ng pulisya subalit habang sinusuri ang granada sa loob ng tanggapan ng Special Weapons and Tactics sa tabi ng Robinson’s Place-Iloilo ay biglang sumabog.

Matapos mapawi ang makapal na usok ay hindi naman kaagad maialis ang katawan ni SPO2 Managuit para maisugod sa ospital dahil sa pangambang su­mabog uli ang isa pang granada. (Ronilo Pamonag at Joy Cantos)


ABUNDIO DIAZ JR.

ALBERT SARDUA JR.

CHIEF SUPT

EAST BALUARTE

EXPLOSIVES AND ORDNANCE DIVISION

ILOILO CITY

ILOILO ST. THERESE HOSPITAL

JOY CANTOS

MANAGUIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with