Dalagita nasawi sa sunog

MANILA, Philippines - Isang 17-anyos na da­lagitang si Annabelle Pole ang nasawi nang masunog ang kanilang bahay sa Sitio Soong, Barangay Curva, Ormoc City kamakalawa ng gabi.

Nasugatan at ginamot sa Ormoc District Hospital ang ibang miyembro ng pamilya ni Pole.

Hininalang isang natum­bang nakasinding lampara sa kusina ang pinagmulan ng sunog.

May sakit ang dalagita na natutulog sa kanyang si­lid kaya hindi na nito na­ma­layan ang pagkasunog ng kanilang bahay hang­gang sa matusta ang kan­yang katawan. (Roberto Dejon)

Show comments