Guro nilikida sa kampo

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang paghi­hi­ganti ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak hang­­gang sa mapatay ang isang guro ng elementarya sa panibagong karahasang naganap malapit sa Camp Brig. Gen. Salipada Penta­dun, Brgy. Making sa ba­yan ng Parang, Maguin­danao noong Miyerkules ng hapon.

Naisugod pa sa Dra. Lagas Medical Clinic su­balit idineklarang patay si  Perdito Lipon, 50, teacher sa Making Elementary School. Sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek na si Noel Guerrero. Ayon sa police report na naka­rating sa Camp Crame, lulan ng motorsiklo ang biktima para dumalo sana sa misa sa loob ng kampo ng pulisya nang harangin at saksakin ng suspek. Joy Cantos

Show comments