2 call boy tugis sa pagpatay sa La Salle professor

RIZAL, Philippines – Malawakang dragnet operation ang ini­latag ng pulisya laban sa da­lawang call boy na pina­niniwalaang mga panguna­hing suspek sa pagpatay sa isang La Salle professor na natagpuan sa mada­mong bahagi ng Brgy. Sila­ngan sa bayan ng San Ma­teo, Rizal noong Martes ng umaga.

Ito ang nabatid kay P/Supt. Ronaldo Mendoza, hepe ng pulisya sa San Mateo, base sa inisyal na imbestigasyon kung saan lumitaw na may kinala­ man ang dalawang ’di-pa kila­lang call boy sa pama­mas­lang kay Vincent Jan Ru­dio, 29, ng Marietta Romeo Village, Pasig City, Metro Manila.

Base sa police report, na ang dalawang call boy ang sinasabing pinik-up ng bik­tima sa bisinidad ng Marikina City noong gabi ng Lunes, isang araw bago natag­puang patay sa Paz St. kanto ng Simon St. Phase - 4 Monterey Hills, Subd. sa nabanggit na ba­rangay.

Sinasabi ni P/Insp. Mi­chael Angeles, na may mga lead na kung sinu-sino ang mga suspek subalit pansa­mantalang ‘di muna ibinun­yag ang mga panga­lan para hindi masunog ang follow-up operation.

May cartographic sketch na rin ang mga suspek na ipinalabas ng pulisya base na rin sa mga nakakita bago matagpuan ang bik­ tima.

Ang dalawang suspek ang namataan ng mga nag­roron­dang barangay tanod sa na­banggit na lugar na nagkun­waring naubusan ng gasolina sa dala nilang Mi­tsubishi Lancer (WEG 346) saka nagpaalam para bumili ng gasolina, hanggang sa ‘di na nagbalik at matagpuan ang bangkay ng biktima. Ricky Tulipat

Show comments