^

Probinsiya

Sanggol na nilapa ng aso, ligtas na

-

PAMPANGA, Philippines – Himalang nakaligtas sa karit ni kama­tayan ang anim na buwang gulang na sanggol na sina­sabing nilapa ng aso na may lahing pitbull noong Linggo ng umaga sa bayan ng Can­daba, Pampanga.

Naisugod sa Jose Reyes Memorial Hospital sa May­nila ang batang si Revin Mallari matapos pagtulu­ngang alisin sa bunganga ng aso sa ba­kuran ng kanilang bahay sa Sitio 3, Brgy. Bahay-Pare sa nabanggit na bayan.

Samantala, ang aso na­ mang si Bruno ay nakaku­long pa rin at patuloy na inoobserbahan bilang bahagi ng proseso kapag nakakagat ng tao.

Ayon sa katiwala ng pa­milya Mallari na si Jun Soli­man, nakatali ang asong si Bruno sa punongkahoy ha­bang natutulog ang sanggol sa duyan habang namama­lantsa naman ang ina nito katabi lamang din ng bata.

Biglang nakalas sa pag­kakakadena ang aso at agad na sinakmal sa ulo ang natu­tulog na bata.

Napag-alamang kay Jan-jan Vargas, may kalakasan ang aso at mahigpit ang pagkakakagat nito sa ulo ng sanggol kayat kahit na apat-katao na ang nagtulung-tulong ay nahirapan silang alisin ang bata. Dino Balabo

AYON

BAHAY-PARE

BIGLANG

BRGY

BRUNO

DINO BALABO

JOSE REYES MEMORIAL HOSPITAL

JUN SOLI

REVIN MALLARI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with