QUEZON, Philippines – Pinagtataga hanggang sa mapaslang ang mag-inang negosyante ng kanilang ama na pinaniniwalaang nawala sa katinuan kamakalawa sa bayan ng Tagkawayan, Quezon. Kinilala ng pulisya ang mag-inang Liza Suarara, 23 at Danica Suarara, samantala, naaresto naman ang suspek na si Danilo “Totoy” Suarara, 33. Base sa ulat, lumitaw na sinermunan ni Liza ang asawa na nagbabantay ng kanilang panindang uling. Dahil dito, nag-init ang ulo ng suspek at pinagtataga ang mag-ina. Ayon sa pulisya, may record na mental disorder ang biktima sa National Institute for Mental Patience. Tony Sandoval