Nakonsiyensya sa hit-n-run sumuko

BULACAN, Philippines – Matapos ang limang araw na pana­nahimik, napilitang sumuko kahapon ang drayber ng Tama­raw FX na nakahagip at nakapatay sa isang matandang lalaki na nagbibisekleta noong Lunes ng umaga (Marso 16) sa bisinidad ng Mac Arthur Highway sa Barangay Dakila sa Malolos City, Bulacan. Kilala ng pulisya ang nakon­siyen­syang suspek na si Ronilio Santos, 26, ng Barangay Kala­witan, San Ildefonso, Bulacan. Sa ulat ni PO2 Jerremy Pauino, lumitaw na nagbibisekleta ang biktimang si Mace­lino Balagtas, 52, ng Brgy. Santiago, Malolos City, nang ma­ha­gip ng sasakyan (TVC 416) ni Santos na kaagad na­man tumakas at iniwang nakabulagta sa gilid ng highway ang biktima. Napag-alamang ‘di makatulog ni Santos sa naganap na insidente kaya nagpasyang sumuko sa pu­lisya. Boy Cruz

Show comments