3-anyos ginilitan ng ama
BULACAN, Philippines – Animo’y manok na ginilitan at namatay ang isang 3-anyos na babae ng kanyang ama na sinasabing tumanging makipaghiwalay ang ina ng una sa Malolos City, Bucalan kamakalawa ng hapon.
Idineklarang patay sa Bulacan Provincial Hospital dahil sa pagkaubos ng dugo ng biktimang si Hanna Lope ng Barangay Sumpaang Bata ng nabanggit na lungsod, samantalang kinuyog naman ng mga kapitbahay ang suspek na si Rolando Ambrocio, 29, ng Villa Tech Palatiw, Pasig City.
Napag-alamang magka-live-in ang suspek at ina ng biktima na pinaniniwalaang may planong hiwalayan ang lalaki sa hindi nabatid na dahilan.
Sa report ni P/Supt. Emma Libunao kay P/Senior Supt. Allen Bantolo, lumitaw na tinungo ng suspek ang bahay ng kanyang ka-live-in na si Ramona para makipagkomprontasyon kaugnay sa plano nitong pakikipaghiwalay.
Napag-alamang hindi naman inabutan ng suspek na nagpupuyos sa galit ang kanyang pakay kaya ang biktimang bata ang napagdiskitahang hablutin sa harapan ng lolo nito at nagbantang papatayin kapag hindi lumutang ang kanyang ka-live-in.
Nagawa naman nakipagnegosasyon ng lolong si Rolando Misayah laban sa suspek na iniakma ang matalas na patalim sa leeg ng biktimang nag-iiiyak.
Dahil unti-unting luma lapit ang mga kalalakihang kapitbahay ay nataranta at tuluyang ginilitan ng suspek na pinaniniwalaang sinapian ng masamang espiritu. Boy Cruz
- Latest
- Trending