P.5M nalimas sa manager

DAET, Camarines Norte, Philippines – Umaabot sa P.5 mil­yong halaga ang nali­mas matapos holdapin ng mga armadong kalalakihan ang manager ng pribadong kompanya sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng tanghali. Ayon sa pulisya, nag-withdraw sa banko ng malaking halaga ang manager ng Western Union na si Noel Teodoro, 44, bago suma­ kay ng traysikel na mina­maneho ni Ricardo Flores. Pagsapit sa ha­rapan ng Nelson Hardware sa ka­habaan ng Dasmariñas Street, ay  biglang hina­rang ng tatlong armadong kalalakihan ang traysikel na sinasakyan ng biktima bago nagdeklara ng hol­dap.

Tangay ang kinalalag­yan ng malaking halaga ni Teodoro bago tumakas ang mga holda­per sakay ng motorsiklo. Tu­mang­gi na­mang magbigay ng anu­mang pahayag ang nasa­bing manager. Francis Elevado

Show comments