Anak nabaril sa ulo ng ama

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakiki­pag­laban kay kamatayan ang isang 5-anyos na lalaki makaraang mabaril ng kanyang senglot na ama sa loob ng kanilang tahanan sa Suba Pasil, Cebu City, Cebu kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng bala ng cal. 22 baril sa noo na naglagos sa ulo ng biktimang si Ro­nilo Minerba Jr. 

Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, lango sa alak na umuwi ang suspek na si Rosilo Minerba Sr. mula sa diskuhan.

Nabulabog ang mga kapitbahay dahil sa paulit-ulit na pagsigaw ng suspek kung saan hinanap ang ka­niyang misis dahil sa nawa­wala nitong pitaka na may lamang pera.

Nang makita ang baril na nakapatong sa ibabaw ng kanilang telebisyon ay agad itong kinuha at iti­nu­tok ng suspek sa kani­ yang misis na naalimpu­ngatan.

Sa halip na pumalag ay nakiusap ang misis na ibaba ang baril subali’t  bunga ng kalasingan ay ayaw paawat hanggang sa makalabit nito ang gatilyo at pumutok bago tumama sa noo ng bata na kasa­lukuyang natutulog.

Nahaharap sa kasong kriminal ang suspek ha­bang nakakulong sa himpi­lan ng pulisya. Joy Cantos

Show comments