2 guro nalunod sa baha

MANILA, Philippines - Dalawang guro ang na­lunod at namatay habang pito ang nailigtas at pinag­ha­hanap ang 11 katao ma­ka­­raang tangayin ng ruma­ra­gasang tubig-baha ang truck na sinasakyan ng mga biktima sa Zam­bo­anga del Norte.

Ang labi ng mga bik­ti­mang sina Trudes Catana, 30, at Juvic Belliones, 30, kapwa guro sa New Barili Elementary School, ay na­tagpuan dakong alas-12:00 ng tanghali ng Mi­yerkules matapos na ta­ngayin ng tubig-baha ang sinasakyan nilang Isuzu forwarder drop side truck na minamaneho ni Desi­derio Balmoso, 29, noong Martes

Nailigtas naman ng mga nagrespondeng pulis at elemento ng Civilian Volunteer ang pito katao ha­bang patuloy na pinag­ha­hanap ang 11 pang nawa­walang biktima. (Joy Cantos)

Show comments