2 guro nalunod sa baha
MANILA, Philippines - Dalawang guro ang nalunod at namatay habang pito ang nailigtas at pinaghahanap ang 11 katao makaraang tangayin ng rumaragasang tubig-baha ang truck na sinasakyan ng mga biktima sa Zamboanga del Norte.
Ang labi ng mga biktimang sina Trudes Catana, 30, at Juvic Belliones, 30, kapwa guro sa New Barili Elementary School, ay natagpuan dakong alas-12:00 ng tanghali ng Miyerkules matapos na tangayin ng tubig-baha ang sinasakyan nilang Isuzu forwarder drop side truck na minamaneho ni Desiderio Balmoso, 29, noong Martes
Nailigtas naman ng mga nagrespondeng pulis at elemento ng Civilian Volunteer ang pito katao habang patuloy na pinaghahanap ang 11 pang nawawalang biktima. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending