SANTIAGO CITY, Philippines – Ibat-ibang uri ng baril ang tinangay ng mga ’di-pa kilalang kalalakihan matapos looban ang isang gun store noong Biyernes sa Santiago City, Isabela. Ayon kay P/Chief Inspector Cleto Altuna, chief investigator ng Santiago City PNP, tanghaling tapat noong Marso 13 nang salisihan ng mga magnanakaw ang dalawang nagbabantay sa gun store na noon ay nananghalian sa katabing establisyemento. May teorya ang pulisya na kabisado ng mga kawatan ang tindahan ng baril dahil sa mabilis nilang naisagawa ang krimen. Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong inside job matapos lumabas sa kanilang pagsusuri na walang palatandaan ng anumang paninira sa nasabing establisyemento matapos mabuksan nang maayos ang vault at armory ng gun shop. Victor Martin