Ex- Swiss Army itinumba

MANILA, Philippines - Isang retiradong Swiss Army ang iniulat na napaslang ma­ karaang pagbabarilin ng ’di-kilalang lalaki sa beranda ng kanyang tahanan sa Brgy. Caparispisan sa bayan ng Pagug­dpud, Ilocos Norte kamakalawa.

Kinilala ng pulisya biktima na si Hans Danoser, na nakapag-asawa ng Pinay na taga-Pagudpud. Ayon sa ilang testigo, umakyat ang mga ’di-kilalang kalalakihan sa likurang bahagi ng bahay at lumabas sa hagdan sa ground floor matapos ang pamamaslang.

Sa tala ng pulisya, si Danoser ay may ilang kaso kabilang na ang child abuse na isinampa sa piskalya ng mismong hipag nito at hindi pagbabayad ng kinu­hang pagkain ng aso sa isang pet shop sa Laoag City. (Joy Cantos)

Show comments