PANGASINAN , Philippines – Bumagsak sa mga operatiba ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) ang tatlo-katao kabilang ang dating pulis na itinurong lider ng kidnap-for-ransom gang na responsable sa pagdukot sa apo ng mayor ng Mangal dan, Pangasinan, kamakalawa.
Sa ulat ni P/Senior Supt. Percival Barba, police provincial director, kinilala ang naarestong lider ng grupo na si ex-PO1 Jessie Cervas Aquino, 27; ang dalawang kasabwat na sina Russelito “Russel” Ydia, 40 at Oscar “Pas tor” Tiosen, 44.
Patuloy namang pinaghahanap ang dalawa pang suspek na sina Rudy Fernandez at Domingo Fernandez na itinurong responsable sa pagdukot kay Cedric Romero, apo ni Mangaldan, Pangasinan Mayor Herminio Aquino Romero.
Sa imbestigasyon, si Cedric ay kinidnap habang papasok sa eskuwelahan dakong alas-7 ng umaga sa Mangaldan, Pangasinan noong Miyerkules (Marso 11).
Dakong alas-11:20 kamakalawa nang unang maaresto ang suspek na si Ydia na nakumpiskahan ng celpon at P35,000 na bahagi ng ransom.
Sa interogasyon, umamin ni Ydia sa partisipasyon nito sa kidnapping at pinangalanan ang iba pa nitong kasamahan kung saan itinurong mastermind si Aquino.
Bandang alas-4 naman ng hapon nang maaresto ang pinuno ng grupo na si Cervas kung saan nakuha mula rito ang P104,000 na pinaniniwa laang bahagi ng ransom money at 2 celpon.
Sumunod namang naaresto sa restaurant si Piosin at nasamsam mula rito ang P20,000 at hindi rin nito itinanggi ang partisipasyon sa krimen.
Nahaharap ngayon sa kasong kidnapping for ransom ang mga nasakoteng suspek. (Cesar Ramirez at Joy Cantos)