Konsehal dedo sa ambus

KIDAPAWAN CITY , Philippines  – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kon­sehal ng barangay habang sugatan naman ang isang babae na tinamaan ng li­gaw na bala sa paniba­gong paghahasik ng ka­rahasan ng mga ’di-kila­lang kalalakihan sa Ba­rangay Mother Poblacion sa Cotabato City noong Huwebes ng umaga.

Da­lawang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Kagawad Munti Bangan ng Brgy. Mai Dapa, Sultan Kudarat, Maguindanao. Ginagamot naman sa Cotabato Regional Hospital ang sugatang si Lorina Bayao na tinamaan ng ligaw na bala sa kanang tuhod.

Sa police report, lumilitaw na naglalakad si Bangan sa panulukan ng Martinez St. at Jose Lim Sr. St. nang lapitan at rat­ratin ng ’di-pa kilalang la­laki. Malu Manar

Show comments