Bata pisak sa bulldozer

BULACAN , Philippines   – Na­paaga ang salubong ni kamatayan sa isang batang lalaki maka­raang mapisak ng bulldozer habang nangu­­ngulekta ng mapapa­kinabangang gamit kahapon sa dumpsite sa bayan ng Bocaue, Bulacan.

Idineklarang patay sa Mt. Carmel Hospital si Airel Dela Cruz ng Sitio Ipo sa Brgy. Bun­ducan ng nabanggit na bayan.

Samantala, tuma­kas at tugis ng pulisya ang drayber ng bulldozer na si Jerry Alle­go, 39, ng nabanggit ding barangay.

Sa ulat ni SPO2 Jose Fabines, na na­ka­rating kay P/Senior Supt. Allen Bantolo, dakong alas-11 ng uma­ga kung saan pi­napatag ng suspek gamit ang bulldozer ang mga bagong da­ting na basura nang biglang lumapit ang biktima sa likurang bahagi ng sasakyan upang mamulot ng mga pakikina­bangang ba­gay.

Sa hindi inaasa­hang pagkakataon ay biglang umatras ang bulldozer kaya nagu­lungan ang biktima ng gulong na bakal kaya sumalubong si kama­tayan.

Show comments