Biyenan inutas ng manugang

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  – Pinaniniwa­laang pro­­­blemang pampamilya ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapaslang ang isang magsasaka ng kanyang ma­nugang kamakalawa ng hapon sa Sitio Manape, Ba­ran­gay Manapao sa bayan ng Claveria, Masbate.

Napuruhan sa ulo ng bala ng M16 Armalite rifle ang biktimang si Florencio Ma­husay, samantalang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Rey Tomambak ng Sitio Curvada, Barangay Poblacion.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagpapahinga ang biktima sa labas ng kanyang tahanan nang lapitan at ratratin ng suspek. Ed Casulla

Show comments