Magpinsang wanted arestado

BULACAN  , Philippines  — Bumagsak sa kamay ng pulisya ang mag­pinsang wanted sa kasong homicide sa Pangasinan ma­tapos maaresto sa bisinidad ng Brgy. Paltok sa Meycaua­yan City, Bulacan kahapon.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ma. Suzana Baua ng Lingayen Regional Trial Court Branch 69 sa Pangasinan, ay na­aresto ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Julius Caesar Mana ng CIDT-Bulacan, ang mga suspek na sina Rogelio Caba­cungan, 35, ng Brgy Bukbok, West Aguilar, Panga­sinan at Raul Cabacungan, 28.

Ang mga suspek ay isi­nang­kot sa pagpaslang kay Christopher Idos noong Abril 2007 sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Aguilar, Panga­sinan. Boy Cruz

Show comments