^

Probinsiya

2 sundalo tiklo sa kidnap slay

-

MANILA, Philippines - Isinailalim na sa res­tricted custody ang da­lawa sa apat na sundalong intelligence operatives na isi­nabit sa rape slay ng anak na dalaga ni New People’s Army Com­ man­der Leoncio Pitao alyas Commander Parago.

Ayon kay Major Gen. Reynaldo Mapagu, commander ng Army’s 10th Infantry Division, ipinag-utos na niya ang restriction sa mga suspek na sina Cpl. Alvin Bitang at isang tinu­koy la­mang sa apelyidong Pedre­goza na kapwa mi­yembro ng Military Intelligence Battalion.

Ang dalawa pa na sina Sergeants Adan Sulao at Ben Pinait ay hindi naman tauhan ni Mapagu dahil na­ka­talaga ang mga ito sa Region XI Military Intelligence Group (MIG).

Sinabi ni Mapagu na ang hakbang ay upang madaling maiprisinta sina Bitang at Pedregoza sa imbestigasyon kaugnay sa pagdukot at pagpatay kay Rebelyn Pitao, 21, gurong anak ni Commander Pa­rago.

Magugunita na ang bang­kay ni Rebelyn na may tama ng saksak sa dibdib at naka­suot lamang ng punit na underwear ay narekober sa irrigation canal sa Panabo City, Davao del Norte noong Marso 5, isang araw mata­pos itong kidnapin.

Ang apat na intelligence operatives ay pinararata­ngan ni Commander Pitao na sang­kot sa pagdukot, pang­ga­gahasa at pagpatay sa kaniyang anak.

Samantala, nakahanda at tatapatan ng AFP ang na­paulat na paghihiganti ng mga tauhan ng rebel­deng New People’s Army ni Commander Leoncio Pitao alyas Kumander Parago kaugnay sa sinapit ng kanyang anak na guro na dinukot saka ni-rape slay ng mga suspek.

Kasabay nito hinamon naman ni Brig. Gen. Gau­ dencio Pangilinan Jr., hepe ng Civil Relation Office ng AFP ang NPA rebs na mag­labas ng ebidensya sa pa­ratang na ang AFP ay sang­kot sa karumaldumal na krimen.

Kaugnay nito, tiniyak ni Mapagu ang kooperasyon ng militar sa isinasa­ga­wang imbestigasyon at sinabing hindi niya kukun­sintihin ang sinuman sa kaniyang mga tauhan na makakagawa ng pagkaka­mali. Joy Cantos

ALVIN BITANG

ARMY COM

BEN PINAIT

CIVIL RELATION OFFICE

COMMANDER LEONCIO PITAO

COMMANDER PA

COMMANDER PARAGO

MAPAGU

NEW PEOPLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with