9 tiklo sa shabu tiangge

SANTIAGO CITY, Philippines  – Bagsak kalaboso ang siyam na sibilyan matapos maaresto ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency at lokal na pulisya sa isinagawang pagsalakay sa shabu tiangge noong Linggo sa Purok 3 sa Brgy. Mabini, San­tiago City, Cagayan Valley. Ang mga sus­pek na positibo ring gu­magamit ng shabu at kasalukuyang nahaharap sa kasong paglabag sa Article 2 ng Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act, or visiting a known drug den) ay nakilalang sina Nelson Evan­gelista, Ronald del Rosario, Ariel David, Sonny Anastacio Bunanglag, John de Guzman,Thomas Valdez Rosete, Roderick Paulino, Ricky Sadriarin, at si Dennis Pancho. Ayon kay P/Chief Inspector Pilarito Mallillin, unang nadakma si Evangelista at nakumpiskahan ng 0.10 gramo na shabu at anim na aluminum foil. Kasunod nito, naaresto naman ang walong iba pa sa tina­guriang drug den na sinasabing protektado ng limang pulis. Victor Martin

Show comments