^

Probinsiya

Pumalag sa holdap tinodas

-

LAGUNA, Philippines  – Napatay ang isang 44-anyos na supervisor ng gasolinahan matapos hol­dapin at barilin ng dala­wang ‘di-pa nakikilalang la­laki sa Ca­lamba City, Laguna kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Christopher Tambungan, hepe ng Calamba PNP, ang bikti­mang si Frederick Valencia, bisor ng Petron Gas Station sa Ba­rangay Parian, Ca­lamba City.

Ayon sa police report, mag­dedeposito sana si Valencia ng kanilang kolek­syong P149,000 sa sangay ng Metro Bank sa nabang­git na barangay nang ha­rangin ng mga armadong lalaking sakay ng motor­siklo ban­dang alas-3:30 ng hapon.  

Habang nakikipag-aga­wan ng bag na may lamang pera ang biktima sa mga holdaper, binaril ito sa ulo at ideneklarang dead-on-arrival sa Calamba Doctors Hospital.

Mabilis namang naka­takas ang mga holdaper dala ang pera na ngayon ay tinu­tugis pa rin ng pulisya. Arnell Ozaeta at Ed Amoroso

ARNELL OZAETA

AYON

CALAMBA

CALAMBA DOCTORS HOSPITAL

CHRISTOPHER TAMBUNGAN

ED AMOROSO

FREDERICK VALENCIA

HABANG

METRO BANK

PETRON GAS STATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with