Dalaga nagbigti

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – “Ako’y nahihirapan na sa aking sarili kaya madalas naiisip ko na tapusin na ang aking buhay ..... sorry sa lahat.. Eloy.”

Ito ang mga kataga sa sulat na iniwan ng isang 32 anyos na dalaga bago ito nagpakamatay. Natagpuan ang kanyang bangkay sa loob ng kanilang bahay kama­ka­lawa ng hapon sa Barangay Poblacion, Capalonga, Camarines Norte.

Nakilala ang biktima na si Chielo Bereque.

Ayon sa pulisya, ang bangkay ng biktima ay natagpuan ng kanyang sariling ama dakong alas- 2:00 ng hapon na nakabitin sa kanilang sala gamit ang nylon rope na nakatali sa leeg nito.

Malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na may malaking problemang kinakaharap ang biktima ngunit hindi ito nagsasabi sa kanyang mga kapamilya at sinasarili na lamang nito. (Ed Casulla)

Show comments