^

Probinsiya

3 poll officers naghabol

-

MANILA, Philippines - Humingi ng tulong kay Department of Justice Secretary Raul Gonzalez ang election officers ng Commission on Elections sa Occidental Mindoro upang mabasura ang kasong kriminal na isinampa laban sa kanila.

Kabilang sa nagpetisyon kay Gonzalez petition for review, hiniling kay Gon­zalez nina Judy Lorenzo, acting Provincial Election Supervisor sa Mamburao, Occidental Mindoro; Sang­gunian Panglalawigan Officials Peter Alfaro at Ran­dolph Ignacio at ng Poll wat­cher na si Gaspar Ban­doy para ipabaligtad ang na­unang desisyon ng provincial prosecutor ng Mindoro na nagsasabing mayroong sapat na ebidensiya upang kasuhan sila ng serious illegal detention.

Naunang inireklamo ng isang Romulo De Jesus na nakulong siya nang halos apat na oras nang tumanggi siyang buksan ang drawer na naglalaman ng bultu-bultong balota noong May 14, 2007 elections.

Umapela ang apat sa DOJ at sinabing walang illegal detention na nangyari dahil si De Jesus ang ku­sang loob na nanatili sa presinto sa Mamburao Central School at noong ban­dang huli ay sa Servando Hall sa Mamburao Municipal compound.

Natatakot umano si De Jesus dahil sa maaring mangyari sa kanya sa labas ng eskwelahan dahil galit ang mga tao sa kanya ma­tapos itong mahuli na ha­wak ang mga balota.

Dahil sa nabalitang ballot switching kaya nagka­roon ng pagtitipon ang mga residente dito sa paligid ng presinto kaya tumanggi na si De Jesus na lumabas.

Kinasuhan ng ballot switching si De Jesus sa Korte subalit naghain din ito ng kasong illegal detention sa prosecutor laban sa apat. (Gemma Amargo-Garcia)

DE JESUS

DEPARTMENT OF JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

GASPAR BAN

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUDY LORENZO

MAMBURAO CENTRAL SCHOOL

MAMBURAO MUNICIPAL

OCCIDENTAL MINDORO

PANGLALAWIGAN OFFICIALS PETER ALFARO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with