3 bata gutay sa bomba

Nagkagutay-gutay at namatay ang tatlong  bata ma­karaang sumabog ang isang bala ng mortar na pi­naglaruan ng mga biktima kung saan lima iba pang ma­lubhang nasugatan sa Sitio Badak, Brgy. Mataya, sa ba­yan ng Buldon noong Martes ng hapon.

Kinilala ni Army’s regional Spokesman Major Ran­dolph Cabangbang, ang mga nasawi na sina Nilingan Tolentino, 8; Mac­sal Minan, 11; at si Yas­ser Usman, 8.

Ginagamot naman sa Cotabato Regional Hospital sa Cotabato City ang mga sugatang sina Asamara Ebrahim, 7; Tamlika Usman, 9; Jamaliah Abdulmalik, 8; Subani Motalib, 10 at si Pu­kadi Narudin, 7.

Base sa ulat, ang suma­bog na 81mm mortar ay napulot ni MILF Kumander Abusalam Ebrahim sa ka­niyang bukirin at dinala nito sa kaniyang bahay para sana pag-eksperimen­ tu­han.

Gayon paman, sa so­brang kalikutan ng mga anak ni Ebrahim at ng mga kalaro nito ay pinaglaruan ang bala ng mortar na na­pagkamalang isa lamang uri ng kakaibang bola. Joy Cantos

Show comments