^

Probinsiya

Amang pumatay sa anak, arestado

-

VILLAVERDE, Nueva Vizcaya, Philippines – Matapos ang mahabang panahon ay nabunyag din ang lihim na krimen ng isang ama laban sa kanyang anak na pinas­lang at ibinaon may apat na taon na ang nakalipas sa Ba­rangay Cabulluan, Villa­verde, Nueva Vizcaya.

Isiniwalat ng bunsong anak ang ginawang pag­patay ng kanyang amang si Joseph Luwit sa kanyang kuya na si Jordan Allag Luwit.

Nabunyag ang matagal nang krimen matapos magkita ang ina ni Jordan na si Lilia at ang lola kung saan umuuwi at nakatira ang biktima.

Napag-alamang inakala ng ina ni Jordan na nasa pangangalaga ng lola ang kanyang anak, at inakala rin ng lola na nasa piling na ng kanyang mga anak ang apo na sinasabing nasa Maynila kung kaya’t hindi na umuuwi. Dahil dito, ay buong tapang na binasag ng kapatid ng biktima ang bumabalot na misteryo sa pagkawala ng kanyang kuya at itinuro sa pulisya ang kanyang ama ang salarin.

Itinuro ng bunsong ka­patid ang pinaglibingan ng kanyang kuya noong Peb­rero 2005 kung saan ang kanyang ama ang bu­maril at nakapatay.

Sa pahayag naman ng suspek sa pulisya, nagawa niya ang krimen dahil sa tigas ng ulo ng anak at hindi na sumusunod sa kanyang mga pangaral. Victor Martin

vuukle comment

CABULLUAN

DAHIL

ISINIWALAT

ITINURO

JORDAN ALLAG LUWIT

JOSEPH LUWIT

KANYANG

NUEVA VIZCAYA

SHY

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with