^

Probinsiya

Ina, 2 anak kinatay ni tatay

-

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang ina at dalawa nitong anak ma­karaang pag­ sasaksakin ng ama na sina­sabing nawala sa katinuan ng pag-iisip sa loob ng kan­i­lang tahanan sa Gingoog City, Misamis Oriental, ayon sa ulat ka­hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Gemma Uayan, 38; Rayden 11; at si Rujel, 12; pa­wang residente ng Sitio Minlagas, Barangay San Luis.

Samantala, arestado na­man ang suspek na si Rom­mel Uayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabi ni SPO4 Aga­pito Lituanas naganap ang krimen noong Linggo ng gabi (Marso 1) habang na­tutulog ang mag-iina.

Nabatid sa ilang kapit­bahay ng pamilya Uayan na bago maganap ang pama­maslang, nagkaroon ng ma­tinding pag-aaway ang mag-asawa kung saan nagkasi­gawan pa ang mga ito.

Hinagilap ng suspek ang matalim na kutsilyo at pinag­sasaksak ang kani­yang mi­sis saka isinunod ang dala­wa naman nitong nag-iiya­kang anak na na­alimpu­ngatan sa insidente.

Sa pahayag ng mga ka­mag-anak ng pamilya Uayan, nitong nakalipas na mga araw ay kapunapuna ang kaka­ ibang ikinikilos ng suspek na nakakaranas ng problema sa pag-iisip ma­tapos maaksi­dente ilang taon na ang naka­lilipas.

Sakali namang mapatu­nayang may diperensya sa pag-iisip ang suspek ay ami­nado ang pulisya na mahi­hirapang ipursige ang ka­song 3 counts of par­ricide laban sa nasa­bing mister. Joy Cantos

vuukle comment

BARANGAY SAN LUIS

GEMMA UAYAN

GINGOOG CITY

HINAGILAP

JOY CANTOS

KINILALA

MISAMIS ORIENTAL

SHY

SITIO MINLAGAS

UAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with