P30-milyong palengke naabo
BAGUIO CITY – Umaabot sa P30 milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang mga tindahang prutas at gulay sa pamilihan ng Baguio City sa Session Road kahapon ng madaling-araw.
Isa sa naapektuhan ng sunog na si Victor Calimlim, president of the Baguio Market Vendors Cooperative, ang nagpahayag na aabot sa 200 tindahan ang naabo kabilang na ang mga nagtitinda ng strawberries, jams, peanut brittle, at native woven garments, na sinasabing paborito ng mga turista.
Naapula ang sunog dakong alas-5 ng umaga na nagsimula bandang alas-2:15 ng madaling-araw. Wala namang naiulat na nasugatan at nasawi sa naganap sunog.
Siniguro naman ni Mayor Reinaldo Bautista, na maibabalik ang mga tindahang naapektuhan ng sunog. (Artemio Dumlao at Andy Zapata Jr.)
- Latest
- Trending




















