PNCC official dedo sa ambus

CAMP VICENTE LIM , Laguna – Dalawang bala sa ulo at mukha ang tuma­pos sa buhay ng isang opisyal ng Philippine National Construction Corp. (PNCC) makaraang tam­ba­ngan ng mga ‘di-pa kila­lang kalalakihan sa highway sa Barangay San Isidro, sa bayan ng Cabuyao, Laguna kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Moi­ses Pagaduan, Cabuyao police chief ang biktimang si Rolando Serrano, 49, chief investigator ng PNCC, at residente ng Barangay Bilog-bilog Tanauan City, Batangas.

Napag-alamang papa­sok na sa trabaho si Ser­rano at binabagtas ang highway lulan ng Toyota Corolla na may pla­kang TMJ-893 nang pagbaba­rilin bandang alas-6 ng umaga.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, walang kaugnayan sa robbery ang motibo dahil hindi nawala ang pera, cell phone, baril at iba pang personal na gamit ng biktima. Samantala, patu­loy naman ang imbesti­gasyon ng pulisya. (Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

Show comments