^

Probinsiya

Clan war: 15 todas

-

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 15-ka­tao ang iniulat na napatay mata­ pos sumiklab ang bakbakan ng magkalabang angkan da­hil sa agawan sa lupain sa ba­yan ng Tupi, South Cota­bato, ayon sa ulat kahapon.

Base sa ulat ni Atty. Remegio Roxas, director ng Philippine National Red Cross-South Cotabato, si­yam katao na ang nasawi kamakalawa ng gabi ma­tapos na gumanti ang ka­tutubo ng isang tribo sa ka­labang grupo. 

Sa tala ng pulisya, na­unang napatay ang anim na sibilyan matapos mag­sa­gupa ang magkalabang tribo sa Sitio Landayaw, Brgy. Cebuano, sa bayan ng Tupi.

Umaabot naman sa 38-pamilya ang kumpir­ma­dong nagsilikas para ‘di-madamay sa banggaan ng tribong B’laan at grupo ng mga Kris­tiyano.

Kinilala naman ng pu­lisya ang mga suspek na sina Danny Boy Hulom, Tata Quarte, Jomarie Lag­kaw at si Lucky Boy Lag­kaw na nag-umpisang maghasik ng kara­hasan sa nabanggit na lugar. 

Kinumpirma naman ni P/Senior Supt. Robert Kui­ni­san na gumanti ang gru­po na naagrabyado noong Bi­yer­nes kung saan ‘di-nabatid ang bilang ng nasawi.

Nagsagawa na ng ma­lawakang dragnet operation ang pangkat ng pulis-Tupi at sundalo ng 27th Infantry Battalion ng Philippine Army upang madakip ang mga suspek na nagha­hasik ng la­gim sa nabang­git na bayan. Danilo Garcia

DANILO GARCIA

DANNY BOY HULOM

INFANTRY BATTALION

JOMARIE LAG

LUCKY BOY LAG

PHILIPPINE ARMY

PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS-SOUTH COTABATO

REMEGIO ROXAS

ROBERT KUI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with